Ang musika ay nakakatulong sa atin upang mapagaan ang ating pakiramdam, kung minsan tinutulungan din nito ang ating imahinasyon na maglakbay. Balikan natin ang Gawain 17 na kung saan ay gumawa tayo ng “Listahan ng Kanta” o “Play list”.

Ano ang mga kantang na nagpapangiti sa’yo kapag ikaw ay malungkot? Ano ang pakiramdam mo habang pinapakinggan ang mga kantang ito? Maari mo itong isulat o iguhit.

Ano ang mga kantang nagbibigay ng lakas ng loob sa iyo tuwing pinapakinggan mo ito? Maari mo ba isulat o iguhit ang paborito mong linya sa kanta.

Paalala:

Maari mo pa din kaming tawagan o sulatan kung gusto mo ng kausap / tungkol sa problema mo, maari kang mag-sulat sa amin sa pamamagitan ng email : cptcsa20@gmail.com . Ang iyong katauhan at kwento ay kumpidensyal o “confidential”.