Kumusta ka na? Halos dalawang buwan na tayo nasa bahay at sumusunod sa mga patakaran ng Enhance Community Quarantine (ECQ), maaring gusto na talaga natin lumabas at makihalubilo sa mga kamag-anak at kaibigan natin ngunit konting tiis pa. Sa nakalipas na dalawang linggo, walong gawain na ang naibahagi namin sa iyo, sana nakatulong ito para mas makilala mo ang inyong sarili, mabawasan ang lumbay mo at maintindihan na normal ang lahat ng nararamdaman mo.

Sa linggong ito ay mayroon uli kaming apat na gawain para iyo, ang mga gawain na ito ay para makapagpahinga ka at makaiwas sa pag-iisip ng hindi maganda. Maari mo gawin ang ito kapag balisa ka, pagod o kaya natatakot.

Paalala:

Kung ikaw ay may ibang katanungan o gusto mong may makausap / tungkol sa problema mo, maari kang mag-sulat sa amin sa pamamagitan ng email : cptcsa20@gmail.com . Ang iyong katauhan at kwento ay kumpidensyal o “confidential”.