Kumusta ka na? Sa halos dalawang buwan natin sa bahay na tila pauli-ulit pa din ang ating ginagawa, marahil ay gusto mo ng lumabas at puntahan ang mga kamag-anak, kaibigan, kaklase at gawin ang mga nakaugalian. Wag mag-aalala masasanay din tayo sa tinatawag na “new normal”.

Sa linggong ito ang mga ginawa naming mga gawain para sa iyo ay tungkol sa koneksyon ng iyong mga isip, pakiramdam at pagkilos. Malaking sanhi ang mga iniisip natin mapa-positibo man ito o negatibo sa aking mga nararamdaman at kinikilos. Naghanda uli kami ng apat na gawain para sa iyo. Ilabas muli ang iyong kwaderno, pansulat at mga pangkulay.

Paalala:

Kung ikaw ay may ibang katanungan o gusto mong may makausap / tungkol sa problema mo, maari kang mag-sulat sa amin sa pamamagitan ng email : cptcsa20@gmail.com . Ang iyong katauhan at kwento ay kumpidensyal o “confidential”.