Sana ay nasa mabuti tayong kalagyan ngayon, 90 araw na mula ng naisailalim tayo sa Community Quarantine. Marahil ang iba sa atin ay hindi pa rin pinapayagang lumabas dahil sa ating edad o iba pang dahilan. Sana sa panahon na ito ay mas lalo tayo napalapit sa ating mga kasama sa bahay at marami tayong natutunan na bagong kaalaman at gawain.

Sa ika-7 linggo ng pagbibigay namin sa inyo ng mga gawain, meron kaming inihanda na mga gawain na pwede mo gawin kapag ikaw ay nalulunod na sa samut-saring damdamin o yung tinatawag na “gounding technique”.

Paalala:

Kung ikaw ay may ibang katanungan o gusto mong may makausap / tungkol sa problema mo, maari kang mag-sulat sa amin sa pamamagitan ng email : cptcsa20@gmail.com. Ang iyong katauhan at kwento ay kumpidensyal o “confidential”.