Nandito uli kami upang magbahagi sa inyo mga gawain. Noong nakaraang lingo ay pinag-usapan natin ang iyong hindi magandang karanasan. Sana ito ay nakatulong sayo upang harapin ang mga hindi magandang nangyari sa iyo.

Sa lingo na ito ay pag-uusapan natin ang mga “Triggers” o ang mga bagay na parang binabalik tayo sa panahon na kung nangyari ang hindi magagandang karanasanan. Apat na gawain ang pwede makatulong sa’yo labanan o harapin ang mga “triggers” na ito.

Paalala:

Kung ikaw ay may ibang katanungan o gusto mong may makausap / tungkol sa problema mo, maari kang mag-sulat sa amin sa pamamagitan ng email : cptcsa20@gmail.com. Ang iyong katauhan at kwento ay kumpidensyal o “confidential”.