Contact: (632) 8426-7839 | (632) 8985-0234                E-PERSONAL SAFETY LESSON

Psychosocial Activities – Week 15

Panibagong buwan at tiyak ang iba sa atin ay hinaharap na ang pagbabalik sa paaralan sa pamamagitan ng “online class” o “modular class” o “alternative learning system (ALS)”. Ito na ang “new normal” na kailangan natin harapin sa ngayon, marahil ay natutunan mo sa gawain 37 – 40 ang pagpapahalaga sa sarili na sana ay makatulong sa iyong pagbabalik sa pag-aaral.

Balikan uli natin ang mga gawain na ito. Buksan ang inyong kwarderno at hanapin ang mga naisulat mo sa gawain 38 at sagutin ang mga sumusunod:

  1. Saan ka magaling ? Ano ang bagong kakayahan o katangian na natutunan mo sa panahon ng pandemya? Maari mo itong isulat o iguhit.
  2. Ano ang mga naisulat mo na positibong bagay tungkol sa iyong sarili? Maari mo ba itong dagdagan ng dalawa pa?
  3. Ano ang mga pangarap mo? Maari mo bang isulat kung paano mo tutuparin ang isa sa mga ito?

Paalala:

Maari mo pa din kaming tawagan o sulatan kung gusto mo ng kausap / tungkol sa problema mo, maari kang mag-sulat sa amin sa pamamagitan ng email : cptcsa20@gmail.com . Ang iyong katauhan at kwento ay kumpidensyal o “confidential”.