Sa linggong ito ay pag uusapan natin ang tungkol sa SARILI . Kailangan natin matukoy kung ano ang mga bagay na nagpapaganda sa atin bilang isang tao. Dapat natin tandaan na ang kagandahan ay maraming ibat ibang uri . Mayroong iba’t ibang paraan para maging maganda, panloob man o panlabas. Anumang bagay tungkol saiyo na maaaring kaaya-aya sa ibang tao, maging ang iyong itsura, katalinuhan, pagkatao, o ang iyong kabaitan. Iyan ay isang magandang bagay.
Isa sa halimbawa ng panloob na kagandahan ay nang binigyan ng isang bata ang mag inang pulubi ng pagkain.
At ang halimbawa naman ng panlabas na kagandahan ay kung ano ang nasa pisikal na kaanyuan ng isang tao na para sa ating paningin ay maganda.
Subukan mo magtala ng mga paraan na nagpapakita ng iyong kagandahan, panloob o panlabas.
1. _____________________________
2. _____________________________
3. _____________________________
4. _____________________________
5. _____________________________
6. _____________________________
7. _____________________________
8. _____________________________
9. _____________________________
10. _____________________________
Paalala:
Maari mo pa din kaming tawagan o sulatan kung gusto mo ng kausap / tungkol sa problema mo, maari kang mag-sulat sa amin sa pamamagitan ng email : cptcsa20@gmail.com . Ang iyong katauhan at kwento ay kumpidensyal o “confidential”.